IBANG AKDA

Dito matatagpuan ang iba pang akdang inilathala sa ibang publikasyon.
  1. The Joys and Pains of Growing Up  (2006) - isang sanaysay ukol sa pagdadalaga; kahingian sa C.A. English 8. Ipinaskil ng aming student teacher sa aming class blog bilang isa sa pinaka mahusay ang pagkakasulat sa klase.
  2. Tula ng Pag-ibig (2008) - isang tula tungkol sa pag-ibig; kahingian sa C.A. Filipino 10. Inilathala noong 2012 ng UP Writer's Club sa 100: The Hundreds Project, isang koleksyong binubuo ng isandaang likha, bawat isa binubuo lamang ng isandaang salita.
  3. Ardea L. (2011) - write-up ng aking pinsan para sa kanyang high school yearbook, ang Sulyap, na inilabas noon 2012; lubos na kinatuwaan ng kanyang mga kaibigan kaya inilalarawan o ipinakikilala ako bilang "yung nagsulat ng write-up ni Dea."
  4. 158 new doctors ready to serve under RSA (2015) - ang una kong artikulo para sa pahayagan ng aking kolehiyo; inilimbag sa publikasyong May-Nov 2015  
  5. Snippets of 'Military Secrecy' (2015) - isang maikling pagbalik-tanaw sa alaala ng COCC; inilimbag sa UP High/UPIS: 100 years of Basic Education in the University of the Philippines, ang Centennial Coffee Table Book ng aking alma mater na masyadong mahal para aking mabili
  6. Hanga(l) (2012) - isang maikling tula ukol sa adiksyon; inilimbag sa Philippine Collegian (tomo 93, bilang 11, pahina 6) noong Pebrero 2016
Ibang lugar na sinusulatan:
  • UP Medics, opisyal na pahayagan ng UP College of Medicine

No comments:

Post a Comment