DAPITAN

Ang pangalang Munting Paraiso sa Dapitan ay nagmula sa asaran ng aking hayskul barkada na ang mga senti at madrama ay ipapatapon sa Dapitan, na hango sa pagpapatapon kay Jose Rizal.

Nagsimula ang paraisong ito (noo'y iba pa ang pangalan) bilang proyekto sa geometry na nagpapaliwanag ng mga kaisipang geometry. Kinalaunan, naging tambakan ito ng aking sama ng loob at drama, at imbakan ng kwentong hindi ko maibahagi sa personal noong hayskul at halos kabuuan ng kolehiyo.

Ngayon, ito na'y pagsasanay sa pagsusulat, at paraan ng pagbabahagi ng mga kwento, larawan, pagninilay-nilay at kung anu-ano pang likhang naglalayong makaambag sa ikabubuti ng mundo. Chos.

"I should not talk so much about myself if there were anybody else whom I know as well." -Henry David Thoreau
Upang mapadali ang nabigasyon sa pahinang ito, ang sumusunod ay ang mga paksang nilalaman ng mga sulatin:

  • Recollection - mga kwentong tunay na naganap at mga alaala ng pagkabata
  • Medicine - mga damdamin, repleksyon, pananaw at minsan pati payo tungkol sa pag-aaral ng medisina at mga natututunan dito 
  • UPCM - mga gawain sa klase, mga kaganapan sa kolehiyo at usapang tungkol o naganap sa University of the Philippines College of Medicine 
  • Christianity - mga pananaw at pagninilay-nilay tungkol sa mga nakasulat sa bibliya, tinuturo ng simbahan at iniisip ng sambayanan tungkol sa Kristiyanismo
  • Philosophy - mga pagninilay-nilay at aplikasyon ng mga kaisipan at lohika
  • Literature - mga repleksyon at pananaw tungkol sa mga binasa
  • Writing - mga repleksyon at pagninilay-nilay tungkol sa pagsusulat
  • Filipino - mga repleksyon at pagninilay-nilay tungkol sa kultura,at kaisipang Pilipino 
  • Selfie - mga sulatin tungkol sa mayakda

No comments:

Post a Comment